hey friends! Kahit wala na kaming gigs for the remainder of 2007, ang
daming nangyayari, pano buong december medyo busy kami kaya puro last
min buying of gifts for relatives di ba? hehe comedy nga eh, ang aga
gumising, feeling ko nga high school student ako ulit eh haha grabe
talaga ang pasko, nakakabata.
Maraming salamat sa mga pumunta sa party. Ang saya-saya. Para akong
bata ulit. hehe saya ng games. Pero alam niyo nung bata ako ang labo
ko eh. Minsan trip ko sumali sa lahat, bibong-bibo. Minsan biglang di
ko lang trip. Medyo moody yata ako nung bata ako eh, nanghihinayang
nga ako eh kasi naalala ko nung party natin na ang sarap nga pala
maging bibong-bata. Yun nga lang may sakit pa ako nung party. Sana
walang nahawa. hehe pero ang saya-saya!
Sa mga parents na sinamahan ng anak nila, salamat sa inyo. Thanks for
being open-minded enough to go to a rock band's party. It was fun
having you guys there, and I;m sure your kids were very happy na
nandun kayo. Given that, dapat talaga appreciate niyo yung mga ganyang
gestures ng parents niyo. At dapat, pagbutihan niyo sa school para
patuloy silang pumayag na mag party tayo! hehehehe
Sa mga nagbigya ng gifts, WOW! Ang astig! Tataba ako ng husto nito!
haha! Salamat talaga! Pati yung mga gadgets and mga toys, ang saya!
Salamat sa lahat!
HAAAAAAAY Next year punta kayo ulit! Gaganda pa lalo yan i'm sure. And
syempre, punta rin kayo sa gigs ng 2008! hehe sige mga friends, tulog
na ako. Sa mga hindi nakapunta, ayos lang yan, i'm sure na may next
time pa naman eh, hanggang nandiyan ang support ninyo tuloy-tuloy lang
tayo eh.So see you guys soon! kitakits!
Merry Christmas!
yael